Kandila(candle)

Eto nanaman ako, nag-iisa, nagmumuni-muni, natatahimik at nag-iisip na parang wala sa tamang sarili. Medyo timang, di alam ang gagawin at di alam kung san mang-gagaling. Binabatikos, di alam kung ano at kung paano sagutin ang mga tanong na “Bakit” at “Sino”. Naliligaw sa lugar kung nasaan ang tamang landas sa  mundong aking tinatahak. kumakapa-kapa at dahan dahan uma-alalay sa makitid kong mundo na ubod ng hirap at pagdududa. Naiinis, naiiyak, nagtitiis mahanap ang liwanag sa malabo at makulimlim kong nakaraan. Naghahanap ng mga bakas at nagbabakasaling maitayo ang sarili sa pagkakadulas. Nag-iisip ng tamang kasagutan sa mga tanong na wala naman tamang dahilan . Nag-iisa,madilim, malamig at nahihirapan, Hindi alam ang gagawin sa kalungkutang aking nadarama. Nagtatanong sa mga tanong nang aking pagdurusa. Naghahanap ng makakapitan  sa mga bagay bagay na di naman dapat kapitan. Paulit-ulit nang nauntog, nadulas at nadapa sa lungkot na dinaranas sa mga oras at mga araw na nag-iisa. Natatakot mapag-isa dahil sa oras na magbadya ang lungkot na iyong ginawa at sa mga panahong iyong binalewala, ako’y biglang magmumukmuk sa sulok at iiyak para lang sa wala. Hirap na hirap at sugatan sa pagkakabagsak sa isang maling kadahilanang hindi mo naman inaasahan.

O kandila ng buhay ko, asan kana ba?Hirap na hirap na ako parang-awa mo na magpakita kana!

Hanggang sa madulas at maumpog sa isang bagay na aking inaasam-asam! Nagdiriwang, naliwanagan  ang aking puso’t isipan hanggang sa makabangon sa aking kina-uupuan.Ako’y biglang napangiti at nabuhayan sa aking nasa harapan. Natauhan at nahimasmasan na akala mo’y nasa isang panaginip na di mo inaasahan. Nagtiyaga at naghintay hanggang sa tayo’y nagkita at naitadhana.

O kandila ng buhay ko!
Andiyan ka lang pala, kay tagal kitang hinanap-hanap. Pinapangarap na maliwanagan ang aking maling paniniwala sa taong umangkin ng aking buong pagtitiwala. Nagpapasalamat at naisiwalat ang aking maling pagkakasala. Naituwid at naitama ang aking mga maling pag-aakala. Nagpapasalamat dahil ika’y nagtiwala sa aking pusong walang ginhawa.

O kandila ng buhay ko, huwag ka sanang mapundi sa mga oras na tayo’y magkatabi. Huwag ka sanang magsawa sa mga araw na tayo’y magkasama. Lulubos-lubusin ko ang mga oras at araw na tayo’y nagsasama. At huwag ka sanang masanay sa mga araw na di tayo magkawalay. Aalalayan ko at pag-iingatan ko ang mga luhang iyong ipinagdurusa. Pupunuin ko ang mga pagkukulang na iyong kinakailangan. Tutulungan at gagabayan ang iyong ilaw sa mga oras na ako’y iyong kinailangan.

O kandila ng buhay ko, salamat sa iyo! Ako’y binigyan mo nang pag-asa sa mga panahong ako’y muntikan nang maibaon sa lalim ng aking pagdurusa.

Author: NKingZ

Comments